Mr. Nestor S. Mangio
Chairman of the Board, Clark International Airport _Diosdado Macapagal International Airport
Gusto naming ipaabot sa inyo an gaming hinaing sa ginawang pag-aakusa ni Mr. Victor Luciano sa dalawa naming kasamahang sina Reynante Nanquil at Enrico Layug, sa pamamagitan ng paggawa ng mali at gawa-gawang akusasyon, batay sa di umano sa report ng mga empleyado (na hindi naman pinangalanan kung sino-sino) na silang dalawa daw ay nagkalat ng poison letters laban sa kanya.
Nag-imbestiga po an gaming pamunuan sa union at kinausap ang aming dalawang members at napatunayan na sila ay pinag-iinitan lamang dahil sa hidi nila pagpirma sa Letter of Support para sa retention ni Mr. Luciano bilang President eng CIAC.
Kahapon Hulyo 28, 2010, napag-alaman din ng union, sa pamamagitan ng sulat ni Ms. Tessibeth Cordova, HR manager ng CIAC-DMIA, at ang nasabing sulat kalat na sa Facebook, na siya din po ay pinilt o sinakal sa kanyang karapatan kung pipirma ba siya o hindi sa nasabing Letter of Support para sa pagpapanatili ni Mr. Luciano bilang Presidente ng CIAC.
Sa ganitong pangyayari, kung sinakal nga po ni Mr. Luciano ang karapatan ng isang HR manager, paano po kaya kaming mga maliliit at ordinaryong empleyado ng CIAC? At ito na nga po ang nangyari kina Nanquil at Layug, at sinabihan na nga po sila na kung pipirma lamang sila sa Letter of Support ay ibabalewala ang alegasyon sa kanila.
Napag-alaman din po namin na pinaaasa lamang kami ni Mr. Luciano na ibigay sa amin an gaming matagal nang hinanaing na differentials sa PERA, ADCOM at COLA, gayung siya din pala ang nagrekomentda sa Board ng CIAC na itigil na at huwag nang bayaran an gaming nasabing money claims, dahil sabi ni Mr. Luciano sa kanyang rekomendasyon sa Board, an gaming hinanaing ay walang batayan.
Nabigyan po kami ng lakas at inspirasyon sa panawagan ng bagong gobyerno para sa integridad, laban sa katiwalian, pananaig ng hustisya, katotohanan at karapatan ng mamamayan kasama na ang karapatan para sa desented pasahod, benepisyo at seguridad sa trabaho ng mga manggagawa. Kaya, todo suporta po kami sa tunguhin ng gobyernong Aquino sa pagbabago, na dapat ito po ay pangunahan ng tagapangulo ng mahalagang institusyon ng gobyerno kagaya ng CIAC.
Kung kaya, amin pong hinihiling sa inyong kagalang-galang na opisina na imbestigahan at sugpuin ang pananakal o harassment na dinadanas n gaming dalawang union members at kasali na rin ang ginawaa kay Ms. Cordova.
Dahil po ditto, pinaaabot po naming sa inyo na kaming mga officers at members ng SMD ay kusang loob at malayang lumagda sa sulat na ito bilang pagbawi ng nasabing pirma sa letter of support.
Maraming Salamat po at Mabuhay po kayo!
Signed by almost 200 members of the UNION
No comments:
Post a Comment